Title: Para sa Mga Tinitingala Kong Cosplayers
Description: From a non-cosplayer
Scythe_Exequiel - April 19, 2006 03:22 PM (GMT)
Pagpasenyahan niyo na ang isang baguhang tulad ko.
Wala naman sigurong masama rito sa mga sasabihin ko.
______________________________________________________________
Gradeschool pa lang ako, tinitingala ko na ang mga cosplayers. Una ko pa lang silang nakita sa TV (sa GMA, extra-extra, balita pa sila non, with paolo and karen, nang biglang nauso ang theme nilang "We are Anime") napapatalon ako sa upuan. HIndi ko kasi akalaing may mga taong devoted talaga sa anime, to the point na tutularan nila ang damit ng isang anime character.
'Di niyo na itatanong, isa akong animefan, mula pa pagkabata. At kahit mga patalastas inaantay ko. Kahit mga 70's na anime na walang subtitle, pinipilit kong i-enjoy. Kahit anong bakas ng anime, sinusundan ko. (Nabawasan lang, nang tap sa cable and murang internet).
Ang tingin ko sa mga cosplayers, matataas na tao na di maabot. Yung bang nakakalapit sa mga J-Rockers and J-Pop Singers, nakakaautograph sa mga director ng mga sikat ng animations, nakakahalubilo yung mga editor sa mga animemagazines, nakakashakehands sa mga astigin na tulad nila, nabibilang sa ibang lebel ng animefanatics, yung para bang sa lipunan natin, kasama sila sa mga high-class.
Magaling talaga.
Naalala ko tuloy, nong may nakatext akong nagcocosplay, pinagmamalaki ko siya. Kahit hindi naman interesado ang mga nasa paligid ko, dahil, di nila alam ang cosplay.
Sumunod naman, nong pumunta kami sa animequest. Akala ko talaga hanggang pangarap lang 'yon (hindi 'to exaggerated). Ang ganda ng lugar, non nga lang ako napunta sa Glorietta. Halatang hindi ako bagay don, pero nang makita ko 'yung isang bata na may hawak na Questor, ewan ko ba! Pakiramdam ko, may natagpuan akong mundo, na kalalagyan ko!
Nagulat ako nang pumunta na ko si pinaka lugar. Ang daming nagdodrawing, ang gagaling nila! At ang ikinagulat ko pa may mga kumakanta ng Hapon! Akala ko dati ako lang at ang ilan kong kakilala ang kumakanta ng Japanese. Akala ko kami ang misunderstood minority na wala na talagang katulad. Kaya nga nung kanta sila ng kanta, parang gusto kong sumali. Kaso lang... ang nararamdaman ko, hanggang nood lang talaga ako. Kahit alam kong mali-mali na 'yung lyrics nung kumakanta.
Pero sa mundong 'yon, isa lang talaga ang hinihintay ko
>>ANG COSPLAY
Pero....
hindi rin ako nagtagal, sa lugar na 'yon.
Kailangan nang umuwi e. Wala akong magagawa sa mga ganong bagay. Nasingit lang kasi sa schedule. 'Yun ang una't huli kong punta sa isang animefeast.
Years later....
Nakatagpo rin ako ng napakarami pang fanatic na tulad ko. Mga kakwentuhan at mga kadaldalan, hayuk na hayok din.
Years later.....
Nalaman kong ang nagcocosplay na sila. Ang nasasabi ko na lang sa kanila... "WOW!"...
Haaay, di ko na sila maabot, parang dati lang, nag-uubusan pa kami ng tanungan sa anime. Dati-rati lang ako pa ang master nila sa mundo ng Japanese Animation.
Lalo pa akong naging proud nang makita ko ang pics nila sa site na ito.
...Nakakaiyak...
Titingin na lang ako sa buwan, at ituturi ko silang mga bituin na naabot na ang mga pangarap.
Mga anak... narito ang inyong sensei, kumakaway sa ibaba...
T_T nagpapaalam... (uupo, sabay yakap sa tuhod, at tatamaan ng butil butil na luha sa mga braso)
....pero mga anak...
....hahaha! balang araw! anime ko na ang icocosplay niyo!!! :lol: ...hahaha
(biro lang)
For all cosplayers, I salute you all!
-From a non-cosplayer but a pursuing writer, artist and animation director (kahit sa pangarap lang... pleazze)
-Scythe_Exequiel
Eiri - April 19, 2006 04:05 PM (GMT)
wow naman! I know how this feels!!! ^_^
Although...i'm also a cosplayer na din...
Alam mo ba? Kahit cosplayer ako...
feeling ko pa rin...meron mga ibang tao na mas mataas pa kaysa sakin...
feeling ko low ranking cosplayer lang ako...
Scythe? Salamat sa iyo at pinapakita mo kung gano mo talaga sinusupport ang mga cosplayers. I'm sure if u try hard enough...YOU will someday be a cosplayer...^_^
Keep it up! Keep dreaming! Kasi minsan...Dreams DO come true...^_^
Scythe_Exequiel - April 19, 2006 04:13 PM (GMT)
Di ko akalaing may dating tulad kong magrereply agad.
*Bows.
Siguro, hindi ko lang talaga linya ang cosplay... kaya hindi dumadating sa kin.
Di rin ako handang humarap sa mga taong iba ang ayos ko although alam ko naman pag andun na ko, mauunawaan naman ng mga nandun..
ANg problema pa, ako yata nilalayuan ng damit :lol:
neil_yamato - April 19, 2006 04:19 PM (GMT)
@Scythe_Exequiel huwaw! ayos ah!.. er medyo same din pakiramdam ko sa mga cosplayers parang mga celebrity (well until now) totoo nmn na medyo parang high profile yung mga nagcocosplay na makikita mo sa mga event at dati tingin ko din sakanila eh unreachable pero nagkamali ako (though may mga cosplayer parin na tingin ko ay "out of my league" ehehe).. tulad din natin sila na namangha at nainspire magcosplay ahihihi.. newbie cosplayer lng ako, once palang ako nakapagcosplay dun sa Pinoy AKo sa PUP, unang sabak as Kurei of FoR, kabado pero sobrang nag-enjoy nmn ako.. kaya ikaw try mo nrin magcosplay! masarap tlga ang pakiramdam kapag nagawa mo ang matagal mo ng gustong gawin! ahihihi!! gud luck sayo!!
Scythe_Exequiel idol kita! :D mabuhay ka!
Scythe_Exequiel - April 19, 2006 04:25 PM (GMT)
eheheh,, nakakatuwa naman. para niyo kong hinihila mula sa putikan. hehehe.
thanks pare,. pero mahirap talaga pag mahirap ka. hindi lahat magawa... tsk tsk tsk
Eiri - April 19, 2006 04:25 PM (GMT)
EIRI = mejo nahihirapan makaintindi ng malalim na tagalog. ^_^
@Scythe
ahahahaha! If u give up...di talaga dadating yun sa iyo! ^_^
but if ever naging cosplayer ka...i'll be here to support you! ^_^
Daan ka FC ko minsan...ur my guest of honor! ;) ^_^
kung gusto mo...heram ka costume samin!!!
@Neil
di ba???? para maka xpirience xa mag cosplay??? ^_^
Kaming dalawa ay tinatawag na "NEIRI!"
todo supporta kami sa iyo!
if there's any way we can help someone like you...
it would be an honor! ^_^
Scythe_Exequiel - April 19, 2006 04:29 PM (GMT)
hmmmm... waaaaaaaaaaah....
ang babait niyo T_T...
anyway. ano yung FC??
psensya na (n00bz)
neil_yamato - April 19, 2006 04:40 PM (GMT)
tama c Eiri suportahan ka ng "Neiri" ahehehe!
if you need help post ka lng.. im sure madaming tutulong sayo.. including us! Toinkz!
hitsugi - April 19, 2006 04:43 PM (GMT)
i didn't bother to read your post anhaba eh.. hyoks! tska di pa rin ako cosplay.. si tom cruise (risky business) p lang na cosplay ku..
when i've gathered up all the guts i'll go.. sabay tayo.. simulan mo na palakas ng loob.. ako practice ako by shouting shaider sa tapat ng simbahan ng antipolo ^^;
FC= fan club
edit:
sasali ako sa FC ni Eiri.. ako ang kanyang electric fan!! :lol:
Terensu - April 19, 2006 04:43 PM (GMT)
I had trouble reading that... Pero, ano. You got to remember... Cosplaying isn't all about who is has the best costume, its all about having fun with your fellow cosplayers/anime lovers! Who cares if your costume was thrown in together from your closet, its all about having fun... Take me for instance, I buy clothes that resemble the character I want to cosplay. I bought black jogging pants and the Chuunin/Jounin vest, looking for a black turtle neck, trying to make my own sandals (so far, I know how to cut rubber, kinda) so I can cosplay Shikamaru from naruto part II. Don't be intimidated by those who can make great costumes, try talking to them, I heard the vet cosplayers here are really really nice! Does that make sense ba? I was just babbling, ahihihi...
Scythe_Exequiel - April 19, 2006 04:46 PM (GMT)
ewan ko ba, pero parang pinili ko na ang path ko na maging supporters na lang ng cosplayers,,,
siguro ang mga animefans,, nahahati talaga sa mga ganun.. kadalasan rin kasi yung mga introvert adik din.. pero passion nila,, nakabuhos sa literature, music at visual arts ng anime.. but di ko sinasabing ang cosplayers hindi...
kung iisipin,, versatile ang cosplayers dahil both sides ang gingawa nila
dag dag lang hehe..
@terensu... nakikita ko ngayon na cosplaying is also about putting your whole creativity and resourcefulness for a certain passion/
ANd that's what artists are also about.. :)
Terensu - April 19, 2006 04:56 PM (GMT)
It is... But if you're like me; who does not have time to design and make costumes... And or maybe you really just can't sew for POOP, you can always take the shortcuts. Cosplay is not a competition... Its something you do for fun. Sure the recognition is great, but to me, I honestly think its all about having fun.
hitsugi - April 19, 2006 05:01 PM (GMT)
yeah.. and the embarassment is all part of it ~.~
Michy - April 19, 2006 05:02 PM (GMT)
@Scythe_Exequiel
1st off WELCOME TO PINOYCOSPLAY
hmm lahat nmn cguro ng mga cosplayers dumaan sa stage na to
pero come to think of it ala nmn pumipigil sau sa pagcosplay soo why not try it
e2 cguro malaking pinagkaiba ng cosplay competition sa ibang type ng competition
actually sa mga cosplay comp bihira/wala ung mga "going for the win" attitude, sa cosplay ang goal is to show the world your passion as a cosplayer & making friends
LOL kaya din ako ng cosplay is pra ma boost self-confidence ko & it worked
Scythe_Exequiel - April 19, 2006 05:03 PM (GMT)
but.. unfortunately, not all people has the time for fun. Busy people are always busy... just like me.. *sigh* kaya kayo maseswerte kayong lahat! :) Keep that in mind. FOr you express what you want to express (i mean not in all things, but for the art of cosplay)
@michy, SALAMAT!
Terensu - April 19, 2006 05:11 PM (GMT)
Well, everybody needs a day off once in a while... May I suggest you try cosplay in one of the upcoming conventions? I mean, you work hard and are always busy, you deserve a day off to try something new?!
Michy - April 19, 2006 05:16 PM (GMT)
right on the money Terensu
well most of us have lives too.
cosplay is not a profession that one must focus on
it's mainly just a hobby
@Scythe_Exequiel
btw if ever you decide to cosplay
who will it be?
Scythe_Exequiel - April 19, 2006 05:18 PM (GMT)
@michy,, shishio? or the shadow card of sakura... lolz
@terensu, yeah.. maybe someday i'll have MY life
hitsugi - April 19, 2006 05:20 PM (GMT)
kewl.. kaya mu un, dali lang gawin costume ni shishio (or maybe not, what do i know)
Scythe_Exequiel - April 19, 2006 05:21 PM (GMT)
naalala ko tuloy yung pacontest sa mga batang party sa mga barrio,,,yung babalutan ng tissue paper.. haha. mummy ___. kalimutan ko title
hitsugi - April 19, 2006 05:23 PM (GMT)
| QUOTE (Scythe_Exequiel @ Apr 20 2006, 01:21 AM) |
| naalala ko tuloy yung pacontest sa mga batang party sa mga barrio,,,yung babalutan ng tissue paper.. haha. mummy ___. kalimutan ko title |
ang naalala ko sa tissue ay yung babalutan ng tissue ung babae tpos lalabas sa stage babasain sya.. :ph43r:
neil_yamato - April 19, 2006 05:23 PM (GMT)
Scythe_Exequiel er kahit gaano kapa kabusy may paraan ehehe.. la lng.. gambatte!
Scythe_Exequiel - April 19, 2006 05:27 PM (GMT)
| QUOTE (hitsugi @ Apr 20 2006, 01:23 AM) |
ang naalala ko sa tissue ay yung babalutan ng tissue ung babae tpos lalabas sa stage babasain sya.. :ph43r: |
hehe, ano ba ko. kung anu ano na imamagine ko :blink:
hitsugi - April 19, 2006 05:30 PM (GMT)
| QUOTE (Scythe_Exequiel @ Apr 20 2006, 01:27 AM) |
| QUOTE (hitsugi @ Apr 20 2006, 01:23 AM) | ang naalala ko sa tissue ay yung babalutan ng tissue ung babae tpos lalabas sa stage babasain sya.. :ph43r: |
hehe, ano ba ko. kung anu ano na imamagine ko :blink:
|
ahahaha! tama na imagination mu.. dapat pala wholesome tayo.. balik na sa cosplay mo :lol:
neil_yamato - April 19, 2006 05:31 PM (GMT)
@Scythe_Exequiel :D tama silang lahat makinig ka sa kanila mga adik magagaling yan! daan ka sa nocturnal thread kung madalas ka din online sa gabi.. sali ka sa grupo namin para dumami friends mo d2! ingat lng kay Tea dahil gagawan ka nya ng issue! Toinkz! btw c dirty_karate_bubble nag Shishio sa PUP hingi ka sa kanya ng tips.. kayang kaya mo yun! :D
Scythe_Exequiel - April 19, 2006 05:34 PM (GMT)
wholesome ako!
hahaha, kapanipaniwala naman di ba, heh
@neil, sige! bakit hinde
Michy - April 19, 2006 05:38 PM (GMT)
^
GOOD LUCK sau
sana i2loy mo ung balak mong magcosplay
post ka sa
COSPLAY NEWBIES 2006 pagdesidido ka na
btw cno ung mga cnasabi mo d2
| QUOTE |
Nalaman kong ang nagcocosplay na sila. Ang nasasabi ko na lang sa kanila... "WOW!"...
Haaay, di ko na sila maabot, parang dati lang, nag-uubusan pa kami ng tanungan sa anime. Dati-rati lang ako pa ang master nila sa mundo ng Japanese Animation.
Lalo pa akong naging proud nang makita ko ang pics nila sa site na ito.
|
kilala kya namin cla?
Scythe_Exequiel - April 19, 2006 05:46 PM (GMT)
yeah, sa tingin ko. kausap niyo rin kasi sila.
pero hindi ko na babanggitin (sori a) heh, madumi na pangalan ko. (I hope that won't make any issues on who I really am. hehee (paimportante ang g***)) well anyway, kanya kanya na kami ngayon.
(at tomorrow may trabaho pa ako. ay.)
neil_yamato - April 19, 2006 05:50 PM (GMT)
^ngek! bkit ayaw mo sabihin? may issue ba? ehehehe.. pwedeng pa guess ahehehe.. username N at ung isa B? tama kaya? er kundi yaos lng! ahehehe.. gudluck sayo! btw salamat sa pagsali sa amin sa DHC! Toinkz!
Scythe_Exequiel - April 19, 2006 05:54 PM (GMT)
ewan... heheeh.secret.
nah, no issues. praning lang ako
hitsugi - April 19, 2006 05:57 PM (GMT)
Terensu - April 19, 2006 05:58 PM (GMT)
BOOOO Neil, gagawan ko daw ng issue... Si Rofe ang gumagawa ng mga issue, taga bigay lang ako ng pangalan...
UnfAdinG_sakUri_bLosSOm - April 19, 2006 05:59 PM (GMT)
Scythe_Exequiel .... props to you! ^_^ ...hehehe... even a non-cosplayer can step to the world of cosplays and even can make it to the top :D .....hehehe.... like you I never cosplayed yet but I'm planning to ^_^
Scythe_Exequiel - April 19, 2006 05:59 PM (GMT)
hehe, salamat senyow. di ko inaasahan to. yun lang.
salamat salamat
thank you
grazie? (whatever)
arigatou :)
Eiri - April 19, 2006 07:02 PM (GMT)
@Scythe
Shishio? Ka group ko un magcosplay sa samurai x group namin nung PUP!!! ^_^
view some pix at batella's site...click on my signature image na lang...tapos punta ka gallery! ^_^
madadali lang gusto mo icosplay noh! ^_^
Ariks - April 20, 2006 12:39 AM (GMT)
@Scythe:
Ang galing! Nakaka-touch naman yung mga sinabi mo. Saludo ako sa'yo. And goodluck na rin sa cosplay mo! ^_~d
=CeRaVi_CeReS= - April 20, 2006 01:09 AM (GMT)
@ scythe - ganyan din ako dati... sobrang adik sa anime na halos lahat ng palabas sa AXN nakabisado ko na... na-lie low lang nung nawalan kami ng cable... kahit paulit-ulitin ang Sakura Wars & Ayashino Ceres oki lang... basta gusto ko sila... to the point na minsan nag-skip na ako ng class dahil dun (college years)... and after so many years... eto ako't muling nagbalik... not as a viewer (walang HERO, AXN & Animax ang cable namin ngayon)... but as a cosplayer na... na-inspire lang ako nung HERO launch... simula nun nag-stuck up na sa utak ko yung idea na mag-cosplay... at first mejo tumutol yung boyfriend ko... pero kalaunan sya pa ang excited... yun nga lang disappointing kasi nahuli ako sa parade (UST)... pero di ako natinag dun... at dahil dun na-inspire ko rin yung mga clanmates ko (sina neil pati boyfriend ko) na mag-cosplay na rin (PUP)... feeling ko nun para akong nasa pedestal... lalo na nung makita ko yung mga kapwa ko clanmates na naka-Kurei & Sanzo... at me stage appearance pa!!! first time talaga namin lahat yun!!! at doble pa ang kaba sa akin kasi ako yung unang aakyat!!! plus nanalo pa ako as EARLY BIRD!!! sobrang saya ko nun... at sobrang proud sa sarili ko... kahit yun lang ang na-achieve ko!!!
kaya try mo na ring mag-cosplay... kahit simpleng character lang... or yung character na gusto mo na talagang pagbubuhusan mo ng panahon... gusto ko ring ma-feel mo yung excitement at kaba habang naka-cosplay ka... kung me kritiko man... wag ka patitinag... pag natisod ka... smile lang at tawanan mo lang sarili mo... and if ever, pakaaabangan namin yung ico-cosplay mo... dahil andito lahat kami para suportahan ka pati na rin ang mga newbies...
yun lang po!!! :D
Eferlein - April 20, 2006 03:09 AM (GMT)
| QUOTE (Eiri @ Apr 20 2006, 12:05 AM) |
Although...i'm also a cosplayer na din... Alam mo ba? Kahit cosplayer ako... feeling ko pa rin...meron mga ibang tao na mas mataas pa kaysa sakin... feeling ko low ranking cosplayer lang ako... |
I feel the very same thing. >.<
evilstar13 - April 20, 2006 06:19 AM (GMT)
O.O
wow.
did u try cosplaying yet???
and yes, WELCOME TO PINOY COSPLAY~!!!!!!
Scythe_Exequiel - April 20, 2006 08:45 AM (GMT)
hehehe. Yung tungkol kay Shishio, medyo joke yon. Naghahanap lang ako nga char na hindi ako makikita. Hehe, esp. yung shadow card. :lol:
Pero kung ganto lagis suporta ng mga tao dito, baka mapacosplay ang kahit na sino. AMBABAIT kasi!!! :) pudpod na keyboard ko kakathank you. pero thanks uli.
@ariks: salamat. (lvl-up na ko kasi cosplayers na nakakausap ko T_T waaaahh) ambabait pa, nakakatats T_T waaaaah
@ceravi: jive ang wavelengths natin hehe. oo, yung kahit paulit ulit na panoorin, ayaw mo parin tigilan. thanks din sa suporta T-T waaaah
@evilstar
no, i havent tried and i havent watched a single cosplay...
salamat sa pangwewelcome.. this place starts to become a home. *smiles*:) tHaNKS!