View Full Version: BLEACH!

Pinoy Cosplay - The Filipino Cosplay Community > Animation > BLEACH!



Title: BLEACH!


superjana - July 17, 2007 08:43 AM (GMT)
Mga kaluluwang ligaw, mga halimaw na kumakain ng kaluluwang ligaw, mga death gods na pumupuksa sa mga halimaw, atbp – ito ang makikita mo sa bagong mainstream Anime na Bleach. Ngayon, bakit Bleach ba ang title ng Anime? Sa totoo lang hindi ko talaga alam kung bakit ito ang napiling title para sa Anime na to. Wala talaga akong makitang direct connection sa plot o sa kahit anong tauhan sa palabas na ito maliban na lang sa kulay orange na buhok ng pangunahing tauhan na si Kurasaki Ichigo. Sobrang matingkad kasi na orange yung buhok ni Ichigo na parang na-bleach kaya siguro ito yung title. Hmm…

Ewan wala talaga akong pakialam sa title pero na-astigan lang talaga ako sa concept ng kwento. Tungkol sa isang teenager na nakakita ng mga multo ang Anime na ito. Si Kurasaki Ichigo na isa lamang ordinaryong highschool student ay nabiyayaan ng kakayahang makakita at makapag-usap sa mga multo o mga kaluluwa. Isang gabi, nagulat na lang siya nang isang babaeng naka-all black na damit at may samurai ang pumasok sa kwarto niya. Isa pa la itong death god na siyang lumilibot sa mundo ng mga buhay para puksain ang mga “Hollows” o mga halimaw na siyang kumakain ng mga ligaw na kaluluwang hindi pa nakakabalik sa heaven na siya naming tinatawag na “Soul Society” sa Anime na ‘to.

Nasa kalagitnaan sina Ichigo at ang death god na si Rukia ng kanilang pag-uusap ng isang Hollow ang biglang lumabas. Agad naming tinangkang sagupain ni Rukia ang malaking Hollow na biglang lumabas mula sa ibang dimensyon para kumain ng mga ligaw na kaluluwa. Pero biglang nagtamo ng malaking pinsala si Rukia bago pa man niya tuluyang mapatay ang Hollow dahil dito, kinailangan niyang isalin ang kanyang Reiatsu o ang kanyang Spiritual Energy kay Ichigo dahil siya lamang ang may kakayahang makakita sa kanya. Nagulat na lang si Rukia kung gaano naging kalakas ang puwersa ni Ichigo. Agad napatay ni Ichigo ang Hollow, at mula noon naging isang death god o Shinigami representative si Ichigo. Dito na ngayon nagsimula ang kakaibang adventure at pakikipagtunggali ni Ichigo sa mga Hollows at sa mga iba pang nilalang na gustong sirain ang mundo at ang Soul Society. Ito na marahil ang isang dahilan kung bakit mabenta itong Bleach Anime sa atin.

AngeLofDARK - July 29, 2007 04:45 AM (GMT)
nyahaha..adik dn s bLeach..awee..ganbate ne..misete kudasai..

Lacrimosa - August 30, 2007 06:41 AM (GMT)
taeng Bleach yan, ang haba! hanggang ngayon, di pa tapos!

superjana - September 3, 2007 07:42 AM (GMT)
^ haha! oo nga e...hirap pa magdownload sa net. bihira lang kasi e.




Hosted for free by InvisionFree