View Full Version: the untapped potential of TISSUE PAPER

Pinoy Cosplay - The Filipino Cosplay Community > Cosplay Tech > the untapped potential of TISSUE PAPER



Title: the untapped potential of TISSUE PAPER
Description: it's just a modified paper mache


geeky.yuki.arima - June 22, 2006 02:47 PM (GMT)
sa mga mahilig maglagi sa trono ng kanilang mga kabahayan, alam nyo ba na yang ginagamit nyo pampunas ng *** ay magagamit nyo rin sa inyong pagco-cosplay?!?

so far ay 4 na ang successful na tedious na mga abubot ang nagagawa ko..
yung wolf sa balikat ni cloud saka yung earring nya.. (tingin na lang kayo ng pic ni batella)..
parang poopoong nakakalat kungsaan-saan naman yun..
yung 2, sikreto pa... ^_^


alam ko maraming nagtatanong, WHY TISYU???? mala-why mamita, why?-drama...


kasi madaling i-manipulate ang tisyu..
lalo na pag virgin pulp..

ang kelangan lang ay glue, tubig at mga pandutdot..
pangkulay! of course ghulay.. di yan mawawala..

basta kanya-kanya rin yang diskarte..

ang ilan pang kakailanganin ay malinaw (pwede na rin near sighted tulad ko) na mata, tiyaga, oven (kahit oven toaster lang) kung nagmamadali, sunlight kung maraming panahon, minsan magnifying glass, logic at matinong plano, at higit sa lahat, hindi pasmadong kamay lalo na kung maliit ang detail..
ung last para lang sa mga "oc" tulad namin ni batella.. ^_^


dun nga sa earring ni cloud, 2 squares or less lang nagamit ko
bumili lang ako ng clip-on na blangkong earring sa isang bead shop..
matipid sya pero kelangan ng gabundok na tiyaga..
mala-mt. apo lang naman (yung wig ang mala mt. everest!) :P

batella - June 22, 2006 03:07 PM (GMT)
:o

Ahhhhh!.....
Ganun pala.......

clap,clap....

geeky.yuki.arima - June 22, 2006 03:18 PM (GMT)
^ baliw!!! ginamit mo na nga eh! :D

batella - June 22, 2006 03:34 PM (GMT)
^_^

ohhhh.....
ganun pala.....

magandang idea nga yun keysa bumili ng mahal na accesories...

tissue lang ayos na... ^_^

geeky.yuki.arima - June 22, 2006 03:42 PM (GMT)
matibay naman yun..

tumitigas ng todo..

parang bato na rin..

kulapesh - June 22, 2006 10:20 PM (GMT)
nyahahaha salamat sa tip.. ako nmn tapos ko na ung mace ko para sa ragna cosplay... prob ko lang, ung spikes... hnde ako makagawa ng pantay pantay na sizes nung spikes... any suggestions?

geeky.yuki.arima - June 23, 2006 01:02 PM (GMT)
@ kulapesh

sandali di ko ma-imagine..

kasi usually may cardboard ung ilalim nung ginagawa ko...
kung spikes, gawa ka ng semi-circle (or less than a semi-circle depending on how pointed you want to make your spikes)..
siguro kahit gawa sa folder lang..
yung di masyado matigas..
tapos gawin mong cone..

kung gawa sa tissue, madali kung maliit lang gagawin mo..
i mean relatively..
pag hindi tama proportion ng glue, tubig at durog na tissue, pag natuyo, bako-bako..
mahirap naman kung malaki..

ako kasi walng panahon for trial and error..
i learn from my kapalpakan.. ^_^

sa susunod magpopost ako ng pics..
hindi kasi sa lahat ng pagkakataon, magagamit ito..
umiimpis kasi sya..

dark^princess^freya - July 7, 2006 06:39 AM (GMT)
@tOpic

napAkahELpfUL tLga nG tisSuE!!!

nkgAwa akUh nG wAnd dhiL s tisSuE!!

ngAun gUmagawA akUh nG winGs madE of tisSuE!!!

tisSuE.... tisSuE...!!!

chepot - July 7, 2006 08:54 PM (GMT)
andami ko palang nasayang na tisyu....sana sinave ko sila kesa sa flinush ko sila sa CR ng RP...

geeky.yuki.arima - July 8, 2006 12:31 AM (GMT)
mas maganda tissue gamitin ang tissue kaysa papel lalo na pag maraming details na maliliit yung paggagawan mo..

@ chepot

ako rin naman noon, waldas sa tissue.. ^_^

yukino99 - July 10, 2006 07:51 AM (GMT)
ei....tagal nako gumagamit ng tissue para sa paper mache...turuan mo naman me ng technique para makagawa ng wolf insignia sa left shoulder ni cloud hehehee...thanx!!

or...kung pede, pagawa nalng ako sau...

geeky.yuki.arima - July 11, 2006 03:23 AM (GMT)
^ it took me days para gawin yun..
nevertheless okay naman..

patulong/ pagawa? sure thing!
yun nga lang malabo ako mag-instruct..
kung magpapagawa ka, i-pm mo ako..

topnotch97 - July 12, 2006 06:28 AM (GMT)
tissue???

hhmmmm... :huh:


like this? :rolleyes:
user posted image
user posted image
user posted image

windracer - July 12, 2006 10:52 AM (GMT)
Tisyu? WAW. Lupet ah.

Teka, pano yung proportion ng glue, tubig at tisyu? O_O Trial and error lang ba? Or may tamang sukat talaga.

Posible bang makagawa ng mask using tisyu?

yukino99 - July 12, 2006 04:09 PM (GMT)
dude very possible...^^x

geeky.yuki.arima - July 15, 2006 08:43 AM (GMT)
@ windracer

may "tamang proportion"..
pag matubig kasi, matagal matuyo saka iimpis nang husto yung gawa mo pag natuyo..
pag maraming glue, messy gumawa.. mahirap gawan ng shape..
pag maraming tissue, nagbubuo ung tissue kaya mahirap din i-shape.. ^_^

saka keri ng tisyu gumawa ng mask.. ^_^

klyden - July 28, 2006 12:39 PM (GMT)
teka nga enge ng tisyu tumutulo chipon q eh..
*sniff sniff*

geeky.yuki.arima - July 31, 2006 12:06 AM (GMT)
o eto 10 piso..
bili ka isang rolyo ng tisyu!

windracer - July 31, 2006 07:21 AM (GMT)
@geeky.yuki.arima
Anong mold ang gamit nyo? Or di na kelangan?

Salamat~ ^^

geeky.yuki.arima - July 31, 2006 09:31 PM (GMT)
^ di ako gumamit ng mold..
sa ilalim may cardboard lang na ka-shape ng figure na gagawin..
from there, papatungan mo na ng tissue..




Hosted for free by InvisionFree